RANDOM CHAT/EATS: TAGALOG LAMANG PO! [Pan De Sal : Paborito mong Palaman?]


IF I CAN DO YOUTUBE TAGALOG ONLY VIDS,
I TOLD MYSELF, WHY NOT WRITE SOMETHING IN TAGALOG?
BESIDES, THIS TOPIC IS SO PINOY!
THE PAN DE SAL


ISA LAMANG MASASABI KO,
GINTO ANG PRESYO NG PAN DE SAL SA SINGAPORE.
KAMAKAILAN LAMANG MAY NADISKUBRE AKONG BAGONG TINDAHAN SA LUCKY PLAZA,
SILA MISMO ANG GUMAGAWA NG TINAPAY NILA, MUMUNTING BAKERY KUMBAGA!
SA SOBRANG SAYA,  PAN DE SAL KAAGAD ANG HINARBAT KO.
SGD0.80 ISANG PIRASO! ( HALOS BENTE-OTSO ANG ISA )
QUE HORROR!
MABUTI NA LAMANG NUKNUKAN NG SARAP HAHA.
ARAW-ARAW KASI SILANG GUMAGAWA NG MGA BAGONG PAN DE SAL AT HINDI SILA NAG-IIMBAK.
O SIGE NA NGA, PUEDE NA!
WALA NAMAN KASING IBA PANG PUEDENG MABILHAN DITO HEHE.



PANALO ANG PAN DE SAL PAG ISINAWSAW SA KAPE,
YUNG TIPONG MAINIT-INIT PA...YUNG MAPASO-PASO PA YUNG DILA MO HAHA.
EWAN NA LANG KUNG DI KA PA MAGISING NYAN SA UMAGA.
MAS GUSTO KO PA YUNG KINAKAIN KO MUNA YUNG LOOB,
PARA KASING BULAK SA LAMBOT
PAGKATAPOS IHUHULI KO YUNG LABAS, 
MALUTONG-LUTONG PA, MINSAN MEDYO SUNOG PERO MASARAP PA RIN.


ETO YUNG TINAPAY NA KAHIT ANONG ORAS PUEDE MONG CHIBOGIN HINDI BA?
DI LANG SA AGAHAN,
PAG SA GABI MASARAP PAG LUCKY ME OR CORNED BEEF AND PALAMAN,
PAG AGAHAN, SA KLASIK AKO,
LILY'S PEANUT BUTTER ...PANALO PAG SOBRANG MAGMANTIKA PA YUNG PEANUT BUTTER !!!
AT SYEMPRE ANG CHEEZ WHIZ.
MAY KAMAHALAN DIN ANG MGA PALAMANG YAN DITO
PERO WALA NAMAN KAMING MAGAWA..HAAAAYYY!
PABORITO KO RIN ANG RENO LIVER SPREAD AT MAYONNAISE
KAYA LAMANG MAS TRIP KO SYANG IPALAMAN SA TASTY.
MASARAP DING PALAMAN YUNG EDEN OR KRAFT CHEESE
KASABAY NG DAIRY CREAM~

KAHIT ANO PUEDE MONG ITERNO SA PAN DE SAL!
YUNG IBA SPAGHETTI ANG TRIP IPALAMAN,
MERON DING SARDINAS,
CONDENSED MILK
AT YUNG IBA KETCHUP.
MAY MGA NAGSASAWSAW DIN SA COKE O KAYA NAMAN ORANGE JUICE.
MAIBA LANG TALAGA??
IKAW?
ANON'G PABORITO MONG IPALAMAN SA PAN DE SAL?

OO NGA PALA,
KAYA PALA KO NAPABILI NG PAN DE SAL NG ARAW NA ITO,
SA KADAHILANANG KAKABUKAS LAMANG NG JOLLIBEE SINGAPORE AT  ANO PA BA??
PILANG DINAIG ANG PHIL. EMBASSY! 
HALOS AABUTIN NG DALAWANG ORAS BAGO AKO MAKAPASOK,
ABA E DULING NA MATA NG ASAWA KO 
KAYA AYAN NAUWI SA PAN DE SAL.
ANO BANG PANAMA NG JOLLIBEE SA KLASIKONG PAN DE SAL?

KUNG MAKIKITA NINYO ANG LARAWAN SA ITAAS,
DALAWANG BASO YUNG KAPE.
IISA LANG YUNG KAPE NAMIN NI E,
YUNG ISA PARA LAMANG SAWSAWAN NG PAN DE SAL.
UBOS NAMIN YUNG ISANG BASO NG KAPE KAYA NAKAHIWALAY HEHE.
PERO MASARAP SIMUTIN YUN HINDI BA?
MAY MGA MUGMOG NG PAN DE SAL SA ILALIM...
ANG SARAP HAHAHA.
MAY NAISINGIT PALA AKONG SOUP NA GINAWA 
PARA MAINITAN ANG AMING SIKMURA,
CAMPBELL'S CREAM OF CORN SOUP,
AT AYAN ANG PAN DE SAL,
CHEEZ WHIZ, PEANUT BUTTER SABAY DAWDAW O SAWSAW SA MAINIT NA KAPE.
KAYSARAP NA HAPUNAN KABAYAN,
HAHA.
SAKA NA TAYO MAGTUOS JOLLIBEE.

HANGGANG SA MULI!
SALAMAT SA INYONG PAGBASA.





 

♥ ℋℯℓℓo from WICKERMOSS ♥

♥ ℋℯℓℓo from WICKERMOSS ♥

BLOG TRAFFIC

Translate

TRENDING POSTS ON THIS BLOG

Blog Archive

♥LET'S KEEP IN TOUCH ON INSTAGRAM♥ FOLLOW ME @WICKERMOSS

BRANDS Reviewed / Mentioned on this BLOG

HAIR STUDIO FLAMINGO SINGAPORE [HAIR SPONSOR]

ATLAS MEDISPA [FACIAL SPONSOR]

Let's Keep In Touch

Google+ Badge