Movie Review: εnglish Only Pleaseღ
"Ang hirap magalit ng English ha!"
This review will be in TAGLISH. Sorry for the other readers who might not be able to understand✌
.
.
Sa lahat ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entries, ito 'yung film na walang pag-aalinlangang pinili kong panoorin. Naks, hanep sa hugot yung Tagalog ko ah. Anyway...I've watched it even before the MMFF awards night and when I've heard the news about the multiple awards the film acquired, hindi na 'ko nagulat.
Bukod sa mga panamang PAK na PAK lines ng movie na 'to, meron pa bukod doon. HIndi kasi sila pilit magpatawa; actually I was expecting na super KORNI ng film pero bakit nga ba pumatok 'to?シ
Marahil ay bukod sa malulupit na legs ni Jennylyn Mercado (in fairness, scene-stealer sya! and her flawless skin haven't changed a bit), sa isang bagay nagkasundo 'yung mga characters - sa pagiging natural. Siguro kung mas siningitan ito ng kilig, ay ....dugyot ang kalalabasan. Walang pa-sexy-da-hunk-is-me si Derek dito, pero kung ulam sa 'yo 'yung abs nya, don't worry meron naman kahit konti. In fairnes, hindi hinog sa pilit 'ung accent ni Derek sa movie; how he did it? Beats me pero it's commendable. Si Jennylyn naman, effortless when it comes to comedy. Actually, may chemistry sila; bilib ako sa Director kung paano nya napagtahi-tahi yung istorya plus 'yung development ng characters....mahirap kasi pag first time pa lalo magtambal. Ang puedeng mangyari is naiiwan sa ere ung mga nanonood, it's a hit or miss. In this case, Jen and Derek made a 'beautiful couple'. Who would think may rapport silang dalawa? Tamang project, good concept, and natural acting lang pala ang kailangan.
Hindi ito 'yung boy meets girl kasi; nag-umpisa sya sa simpleng poot. Nagmula kay Derek Ramsay (Julian Parker) ang plano na paghigantihan ang ex nyang jowa na ayon nga kay Jen, babaeng sinungaling, haliparot na, malandi pa. Eh teka, ilan nga ba ang nakaka-relate dito? Yung tipong magpa-pratice ka pa sa harap ng salamin, kapag nakita mo yung ex mo na may bago nang jowa; na trying hard ka to prove na naka-move on ka na. Pero in the end, pag nagkita kyo, waley na, parang traffic sa Edsa na sa pagkabuhol-buhol ang dila mo 'teh! Hindi mo alam kung kikiligin ka ba ulit or ipapakita mo sa kanyang nagkamali sya ng desisyon na iwan ka or ipagpalit ka sa iba. シ
So umikot yung istorya when Derek (Julian) hired Jennylyn (Tere) as a tutor. Ang highlight dito actually? Si Kean Cipriano (Rico) and Jennylyn Mercado (Tere). Kean is the ex-boylet of Tere; na pinipilit ni Tere gawin ang lahat para balikan sya ni Rico. Eto na 'yung arrive ng mga terms na mot-mot; TRAFFIC SA EDSA;it's not you, it's me. Ang sarap kutusan ng character ni Kean (Rico), douche talaga...'yung tipong yung babae pa nagbabayad ng motel room, walang kasingkapal ang mukha na humingi ng 13 inch na MAC laptop at higit sa lahat, kumuha ng motel room amounting to P8,000 ...the nerve. LOLシ
Eh paano nga ba naka-relate much and maraming kababaihan dito? O cge na, kahit mga lalake...kasi sila din daw minsan tanga din sa pag-ibig.
Sorry po pero hindi ko ikukuento dito yung daloy ng buong storya; ang benta lang naman dito yung mga linya nila; kung hindi ka iiwas, sasakit puso mo (pati na rin bagang kakatawa) dahil lahat patama sayo. Yun eh kung nagpapakatanga ka nga sa pag-ibig teh?!
Ready ka na?
"OO NA! AKO NA! AKO NA ANG MAG.ISA Ako na sasalba sa jeep na yan para makaalis na!"
Eto 'yung foreveralone ang peg. Sa trailer, nakakatawa lang sya pero sa movie meron pang emosyon dun bukod sa tawa. Tanong ka kasi ng tanong kung bakit hanggang ngayon single ka pa. Eh kasi naman, yung mahal mo may mahal ngang iba. But still habol ka pa rin ng habol, so what does that make you nga ulit?
Traffic sa EDSA.
Kapag ito na sinabi ng bf mo pag lagi syang late sa date nyo, aba eh mag-isip isip ka na ha ha ha. At the beginning of the movie, it means your partner being unfaithful, simple everyday white lies ganun. But in the end, for once it equated to something positive. Teka, makapag-drive nga sa EDSA baka andun nga 'yung tinatawag nilang forever.
“Wala naman magbibilang kung ilang beses kang nagpakatanga diba?“
Ito 'yung isa sa mga lines na hindi ko matanggap ha ha! Wala ngang nagbibilang so naisip ko: Since walang nagbibilang, ang ibig sabihin ba nun eh...keri lang?
"We don't forget the people we loved. When they're gone, they're gone. Stop looking into what went wrong but look into what's going right in your life.." (Julian's Dad)
Reminiscent of Popoy (John Lloyd)'s line in (One More Chance) "Baka kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi baka meron bagong darating na mas okey. Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali". Ibig sabihin, magmove-on ka na...ang lagay sya lang ang masaya sa buhay?
"Hoy kape lang binili nyo.. hindi ang buong store!"
Watch out for the very first tutorial scene ni Tere and Julian sa coffeeshop. Eto 'yung swak isigaw sa mga maiingay sa istarbaks. Yung mga katabi mong parang nakalunok ng megafone sa pag-uusap.
Filipino Time.
Hindi porket may nakagawiang Filipino Time, dapat nang sundin. Ang importante, respeto sa oras ng kapwa mo. Daming nakalimot nitong line na 'to! Dami rin kasing pasaway pagdating sa Filipino Time eh.
"Eh, akooooo paaa baaaa?!"
Jennylyn flawlessly nailed this one. Galing. Ito na 'yung peak ng katangahan nya sa movie for me. I was hoping she will reject the douche bf's request, but then she delivered this line, gusto ko na rin sabunutan sarili ko haha.
Napagod ako sa totoo lang. Ang hirap mag-blog ng Tagalog. Which reminds me of another line from Jen/Tere:
"Ang hirap magalit ng English ha!"
So overall, English Only Please....worth watching.
May tama, may aral.
Hindi pilit. On point.
Lahat ng katangahan, may katapusan.
Any other lines I have missed ? Share☺
Thanks for reading♡